ss_blog_claim=b348e158a4c46f1d0a4dc3a927469747 ss_blog_claim=b348e158a4c46f1d0a4dc3a927469747

sa dulo ng dilim...  

Posted by LiQuiDfiRe in

ang mga ulap sa langit, masdan mo't lumuluha
'di na kaya pang dalhin ang bigat ng pighati
'di na mapigil pa ang pagdaloy ng hapdi
ng mga puso't damdaming napuno na ng sakit…

masdan mo ang paligid, malungkot at madilim
inulila ng tuwa at lambing na dating ilaw natin
hinayaang manimdim sa sakit at pag-iisa
sa dulo kaya nito ay may saya't liwanag pa?

hanguin mo ako sa lawa ng dilim
hagkan at pawiin ang lamig ng pangungulila
nang dahil sa'yo mundo'y dinaluyan ng ilaw
halina't ulitin ang pagsagip mo sa akin…

may liwanag pa kayang yayakap sa akin?
may liwanag pa kaya sa dulo ng dilim?

gay10072000


{about you}

Sign by Danasoft - Get Your Free Sign