Tuesday, August 11, 2009

hay buhay ng sugarfree



parang kailan lang nung ako’y nagsimula pa lang matutong
matuto tumayo, maglakad, sumabay, at lumangoy sa alon ng buhay, ng aking buhay

kay hirap din palang hanapin ang iyong sarili
sa isang mundong laging nagmamadali
sa kakahabol ay tuluyan nang napagod at napaupo
naisip ko nang sumuko


dahil nakita mo na akong sumablay, narinig mo na ang puso kong bumigay


hay buhay, hay buhay, hay buhay nga naman...


parang kailan lang nung ako’y huling umibig
at linamon, linason ng kilig

bawat pangako ng ligaya, sinalubong ng trahedya
ang habangbuhay, naging babay


parang kailan lang nung ako ay mag isa’t nakadapa na, walang wala na
ako’y natutong magdasal, manalig sa maykapal
at unti unti, sa aking sarili

pipilitin kong di na muling sumablay, o ang puso ko hindi na muling bumigay

IS_SF_COVER_FINAL

ang mga titik ng kanta at larawan ng album ay mula sa: www.WeAreSugarfree.com

hay..... ang galing-galing talaga ng sugarfree. ngayon ko pa lang narinig ang kantang ito, kasabay na rin sa panonood ng kaakibat nitong mtv, pero grabe! hindi pa rin ako binigo ng sugarfree. lalo lang nadagdagan ang paghanga ko sa kanila, lalong-lalo na sa pagsulat ni ebe dancel ng titik ng awiting ito. isang simpleng-simpleng kanta na tumagos na naman sa akin, at syempre nagpaalala rin sa akin na gusto ko nga palang kumpletuhin ang kanilang mga albums. wala ka talagang itatapon sa kanilang mga kanta.

ang "hay buhay" ay ang current single mula sa bago nilang album na may pamagat na "mornings and airports." isang magandang titulo, sa aking palagay, na nababagay talaga sa mga katulad ng sugarfree na halos nabubuhay na yata mula sa mga paliparan hindi lang dito sa ating bansa, kungdi pati na rin sa buong mundo. o kung hindi man na gaya nilang bandista, may mga tao ring tila kaakibat na ang mga paliparan sa kanilang buhay, gaya ng mga taong madalas bumiyahe. may mga tao kasing nakakabit ang buhay sa bawat pagbiyahe... sa bawat paglipad... sa bawat paglapag... sa bawat pagdating... sa bawat pag-alis... at sa bawat paghihintay.

kaya't masasabi ring ang pagbiyahe ay hindi lamang tinutukoy ang literal nitong kahulagan na pagpunta o paglipad patungo sa kung saan-saang lugar. ito rin ay maaring maging simbolo ng byahe ng ating mga buhay.

naisip ko tuloy ang aking sariling biyahe... 'ika nga ng kanta:

"parang kailan lang nung ako ay mag isa’t nakadapa na, walang wala na
ako’y natutong magdasal, manalig sa maykapal
at unti unti, sa aking sarili"

lahat yata ng tao ay dumarating sa mga ganoong pagkakataon na halos nakalugmok na sa pagkakadapa, na halos walang-wala nang maibubuga, at ubos na ubos na. akalain man nating wala na tayong patutunguhan o wala nang kwenta ang ating buhay, isang tawag lang naman ang kailangan nating gawin, isang matinding pananalig... sabi nga nila, kapag walang-wala ka nang mapuntahan, iisa lang naman ang walang pag-iimbot na makikinig at tatanggap sa'yo. at kapag kumapit ka sa Kanya, walang imposible. isa itong importanteng hakbang na kailangan nating gawin upang umahon. kasunod na rin ng panunumbalik ng tiwala sa sarili ang paniniwala sa walang kapantay na pagmamahal ng Diyos.

oo nga, pinagdaanan ko palang lahat ng mga 'yon. at oo nga ulit, parang kailang nga lang... sino nga bang mag-aakalang nanggaling pala ako sa dilim at malalim na hukay na iyon? sino bang mag-aakalang nalunod rin ako sa pighati at pag-iisa? na minsan sa aking buhay ay walang-wala rin akong pag-asa? walang-walang patutunguhan?

sino bang mag-aakalang kakayanin kong bumangon pang muli?

at sino rin bang mag-aakalang mas magiging maayos pa ang buhay ko ngayon? sino ba ang mag-aakalang mas magiging masaya ako ngayon?

minsan nga raw ay masalimuot ang buhay. hindi natin alam kung bakit nagaganap ang mga bagay-bagay o kung saan ba talaga tayo dadalhin ng ating buhay. siguro kailangan lang talaga nating manampalataya... maniwalang meron nga tayong patutunguhan. sabi nga, may plano ang Diyos para sa ating lahat. siguro ay inihahanda lamang Niya tayo sa buhay na talagang nauukol para sa atin kaya kailangan nating pagdaanan ang hirap at sakit.

kaya ako... tuloy-tuloy lang ang buhay! maliban sa paniniwala at pagpapaubaya ko sa Diyos ng aking buhay, e syempre...

"pipilitin kong di na muling sumablay, o ang puso ko hindi na muling bumigay"

:)

;p



No comments: