Thursday, June 11, 2009

"nag-iisa, wala ka na" ni noel cabangon



papalubog na naman ang ilaw
nagpapaalam na naman ang araw
ang gabi ay muling mamayani
at ang lamig ay hahaplos sa pisngi

ilang araw na ang lumipas
magmula nang ika'y magpaalam
ilang gabi na ang nagdaraan
ang pag-iisa'y 'di na 'di na makayanan

ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi
nag-iisa, wala ka na
wala ka na, nag-iisa

ala-ala'y nagbabalik sa aking isip
mga larawan ng bawat sandali
pag-ibig nating sinumpaan
ipinangako sa liwanang ng buwan

ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi
wala ka na, nag-iisa
nag-iisa, wala ka na

ngunit kailangan ko nang masanay
at tanggapin na lumisan ka na ng tunay
ang lahat lahat ay bubuti ang pag-ibig ay mananatili
lagi't-lagi hanggang sa walang hanggan...


hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mahumaling sa mga awitin ni noel cabangon. basta't ang tanda ko naging madalas ang aking panonood ng kanyang mga pagtugtog sa mga restaurants/bars, hanggang sa nagkaroon na ng conspi. sa loob ng panahon na yaon ay masasabi kong kahit paano'y naging malapit na rin kami. kaya nga ako naging conspirator (at ang aking bespren) ay nang dahil na rin kay noel.

ang "nag-iisa, wala ka na" ay mula sa pinakabagong album ni noel na "himig nating pag-ibig." ito ang isa sa mga kantang nakapukaw ng aking damdamin at naging kasa-kasama ko rin sa mga panahon ng aking pag-iisa.

minsan sa ating buhay ay kailangan din nating tumigil at maging mag-isa upang matukoy natin kung ano ang nararapat para sa atin...

No comments: