lagi-lagi na lang
'di maalis ang pagnanais ko
na ipahiwatig
ang damdamin ko sa'yo
at ako ang napili ng puso mo
oh ang nadaramang ito
magpakailanma'y hindi magbabago
tulad ng araw
tulad ng ikot ng mundo
tulad ng pag-ibig ko sa'yo mahal...
at kung ako ay mabibigyan
ng pagkakataong maulit ang lahat
ilang ulit ko ring isisigaw
tanging ikaw pa rin, sinta...
ikaw at ako pa rin...
mahal...
tulad ng araw
tulad ng ikot ng mundo
tulad ng pag-ibig ko sa'yo mahal...
at kung ako ay mabibigyan
ng pagkakataong maulit ang lahat
ilang ulit ko ring isisigaw
tanging ikaw pa rin, sinta...
ikaw at ako pa rin...
mahal...
mahal...
mahal...
at kung ako ay mabibigyan
ng pagkakataong maulit ang lahat
ilang ulit ko ring isisigaw
tanging ikaw pa rin, sinta...
ikaw at ako pa rin...
ikaw at ako pa rin...
mahal...
kung meron mang nagpapasaya at nagpapatingkad ng mga lunes sa conspi, iyon ay sa tuwing tumutugtog si rica arambulo. alam naman nating patay na araw ang lunes sa karamihan ng mga bars na gaya ng conspi, kaya't isang magandang ideya na magkaroon ng "piano nights with rica arambulo" kung lunes. hindi man regular ang gigs ni rica tuwing lunes sa conspi ay mapapanood pa rin naman sya kahit isa o dalawang beses sa isang buwan.
sa galing ni rica sa pagkanta at pagtipa ng piano, hindi mapipigilan ng kahit sino mang manonood sa kanya na mapasabay sa kanyang mga awitin. maraming mga popular na kanta ang inaawit ni rica sa kanyang mga gigs, ngunit hindi lamang iyon sapagkat isa rin siyang magaling na kompositor. kahit hindi mo alam ang kanyang mga orihinal na awitin, siguradong isa sa mga ito ay tatatak sa'yo kapag iyong narinig. gaya na nga ng nangyari sa akin noong una kong marinig ang kantang "ikaw at ako pa rin." ang titik at musika nito ay nilikha mismo ni rica at nagmula sa album na may pamagat ring "rica arambulo."

mapapanood si rica ngayong lunes, may 25, sa conspiracy garden cafe, #59 visayas avenue, brgy. vasra, quezon city.
No comments:
Post a Comment