Thursday, April 30, 2009

"antukin" ni rico blanco



iniwan ka na ng eroplano
ok lang baby
'wag kang magbago
dito ka lang
humimbing
sa aking piling
antukin

kukupkupin na lang kita
sorry wala ka nang magagawa
mahalin mo na lang ako
ng sobra-sobra
para patas naman tayo
'di ba?

chorus:
sasalubungin natin ang kinabukasan
ng walang takot at walang pangamba
tadhana'y merong tip na makapangyarihan
kung ayaw may dahilan
kung gusto palaging merong paraan

pinaiyak ka ng manghuhula
hindi na raw tayo magkasamang tatanda
buti nalang
merong langit na nagtatanggol sa
pag-ibig na pursigido't matiyaga

bridge:
long as we stand as one
ano man ang ating makabangga
nothing will ever break us
wala talaga
as in wala

coda:
hahalikan nalang natin ang kinabukasan
ng buong loob at yayakapin pa
tadhana'y medyo overrated kung minsan
kung ayaw may dahilan
kung gusto palaging merong paraan

gumawa na lang tayo ng paraan
gumawa na lang tayo ng...
baby, gumawa na lang tayo ng paraan

***lyrics mula sa blog ni niña sandejas


ang entry na ito ay para sa'yo... alam mo na kung sino ka. kung bakit? basahin mo na lang 'yung title at 'yung lyrics.

una kong narinig at nakita ang mtv ng kantang ito sa blog ni niña sandejas. kaya salamat sa kanya. alam kong hindi naman siya nagbabasa ng blog ko, pero salamat pa rin. hehe... oo na, huli na ko sa lahat at kailan ko lang nalaman ang kantang ito. pero 'ika nga nila, huli man daw at magaling.... huli pa rin! ahehehe... 'di na kasi ako nakakapakinig ng NU107. at mas lalo namang hindi na ako nakakapanood ng MTV dahil wala kaming cable. isa pang kamalas-malasan, hindi rin makuha ang channel 23 sa aming sushal nga pero walang kwenta namang tv (mejo flatscreen na kse ito). kaya goodbye rin MYX. hay... e kse naman daw, digital na raw ang tv na ito, kaya kailangang may cable ka talaga para makuha mo lahat ng channel nang malinaw. kapag antenna lang ang ginamit mo, e goodluck na lang sa'yo. kaya goodluck na lang sa'kin!

bihira akong makagusto ng kantang halong ingles at tagalog ang lyrics. pero magaling talagang gumawa ng kanta si rico blanco. simple ang mga salita at pagkakasulat, at madali itong tumatak sa isipan ng sino mang makikinig. sa aking opinyon, isa si rico sa mga musikero at bandistang Filipino na magaling humabi ng mga salita upang maging isang simple ngunit makata at makabuluhan na mga kanta. nakakalungkot man na kinailangan niyang humiwalay sa dati niyang banda, nakakatuwa na rin dahil hindi siya tumigil sa pamamahagi ng kaniyang talento sa industriya ng musika. nawa'y patuloy pa rin siyang humabi ng mga masisinsin na mga awiting Filipino na ating maipagmamalaki.

kakapakinig ko lang din ngayon-ngayon lang ng kantang ito sa NU107 (o ayan, nakikinig na 'ko ulit!), kaya naisipan ko na ring i-post ang entry na ito. tutal e wala pa naman akong song entry para sa linggong ito. kaya bago ako humayo mamayang gabi papunta sa aking maikling bakasyon sa la union, na sisingitan ng maikling byahe sa ilocos ng sabado, at babalik ulit ng maynila ng linggo (kasalanan mong lahat ng ito, bespren ko doon!)... whew!!! e iiwanan ko muna ang aking blog, at ikaw na masugid na tagasubaybay ng aking blog, ng isang kyut na kyut na kanta. :) para sa'yo talaga 'to e, kasi antukin ka talaga!

2 comments:

bff said...

nyahahahaha! mabuti yan para matagtag ka ng husto! ahahaha!

uy, funny, but i was listening to NU a while ago din, narinig ko rin ito. hehehe.

rico blanco is great songwriter, way back rivermaya days pa tlga. one hell of a songwriter...

i cant wait for our ilocos trip! bring your suit ha! :)

ingat kayo ni mommy!

LiQuiDfiRe said...

anong suit? jumpsuit ba itoh? :D talagang ngayon mo pa pina-alala kung kelan bitbit ko nang lahat ng gamit ko. hindi ba dapat kahapon sana? anywayz, nagdala naman ako ng catsuit. bwehehehe....