napakatagal nang panahon nung huli akong nag-post ng isang awitin dito sa aking blog. sa aking pagkakatanda, ito yata ay ang kanta ni regina spektor na "samson,", may mga dalawang taon na sigurong nakararaan. naaalala ko, naroon pa yata ako sa dati kong trabaho bilang isang "web content writer" nung huli akong nakapag-post ng awitin rito.
bilang isang nilalang na maalab ang damdamin sa musika, inisip ko noong nais kong maglagay dito ng isang awitin kahit man lang isa kada linggo. kahit anong awitin na mapusuan ko, maging ito man ay konektado sa aking buhay o hindi. ngunit ewan ko ba kung ano ang nangyari. sabay siguro ng pagtamlay ng aking pagsusulat dito ay ang siya ring paglamlam ng alab ng musika sa aking puso. pero 'ika nga nila, minsan kinakailangan lang manahimik at magpahinga upang mag-ipon ng lakas para sa pagbangong muli.
narito ang isang napakagandang awitin ni bayang barrios na may pamagat na "isipin mo na lang." mula ito sa kanyang ikatlong "album" na "alon." ginamit rin ang awiting ito sa pelikulang "ang pagdadalaga ni maximo oliveros." ito ang napili kong kanta dahil muli kong narinig na awitin ito ni bayang (kasama sina mike at angelo villegas) noong biyernes (marso 13) sa "conspiracy garden & cafe." kasama din niyang kumanta si diyosa, na naunang tumugtog noong gabing iyon. at isa pa, pinili kong isulat ang blog na ito sa wikang filipino sa kadahilanan na ring ang napili kong kanta ay nasa sarili nating wika, at para na rin maiba naman.
nangangamba ka ba na ngayong malayo ka
ako kaya ay magbago?
hinahanap ko ba sa iba ang ligaya
ngayong tayo'y magkalayo
manatili't 'wag matinag
sa pag-ibig mo ay bihag
ang puso kong ito...
isipin mo na lang
ang ating samahan
at ang pag-ibig ko sa'yo...
isipin mo na lang
ang ating samahan
at ang pag-ibig ko sa'yo...
isipin mo na lang ngayong natagpuan
tunay na magmamahal sakin
at ang nag-iisang hadlang
ay ang pansamantalang paghihintay
ba't di ko gagawin?
hmmm.... naisip ko lang... hindi ako maghihintay ng walang kasiguruhan kung hindi kita tunay na mahal...

2 comments:
can u translate? hehehe
Thanks for uploading..:D
i love the song.. and the movie ofcoarse.. watched that movie with my gay friend
Post a Comment