pansin mo ba ang pagbabago?
di matitigan ang iyong mga mata
tila di na nananabik
sa iyong yakap at halik
sana'y malaman mo
hindi sinasadya
kung ang nais ko ay maging malaya
di lang ikaw
di lang ikaw ang nahihirapan
damdamin ko rin ay naguguluhan
di lang ikaw
di lang ikaw ang nababahala
bulong ng isip wag kang pakawalan
ngunit puso ko ay kailangan kang iwan
pansin mo ba ang nararamdaman
di na tayo magkaintindihan
tila hindi na maibabalik
tamis ng yakap at halik
maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
sana'y malaman mong di ko sinasadya
di hahayaang habang buhay kang saktan
di sasayangin ang iyong panahon
ikaw ay magiging masaya
sa yakap at sa piling ng iba...
***
una kong narinig ang awiting ito sa isang teleserye. at noong ako ay nasa guam, halos araw-araw yata ay naririnig ko ito sa kotse papunta ng opisina at pauwi sa bahay. nagustuhan ko ang kantang ito dahil sa magandang himig nito, at siguro dahil na rin sa kakaibang pagkanta ni juris. sa tingin ko, kung iba ang kumanta nito ay hindi ganoon kaganda ang dating nito sa pandinig. tamang-tama ang lambot at lambing ng tinig ni juris para sa kantang ito.
mula sa simple, ngunit madamdaming titik ng awiting ito, siguradong "theme song" ito ng mga brokenhearted. 'ika nga nila, halos lahat naman ng magagandang kanta, karamiha'y tungkol sa mga pusong wasak at sugatan. mas madamdamin siguro kasi isiwalat ang damdaming umiiyak at nahihirapan, kaysa sa humhalakhak at tumatawa. kaya naman kahit sa mga obrang gaya ng awit at tula, hindi naiiwasang halos pighati at sakit ang nilalaman.
nawa'y magkaroon pa si juris ng mga magagandang orihinal na kanta na kagaya nito, lalo na't siya ay soloista na lamang ngayon. ang boses niya ay masarap sa tenga pakinggan, isang kaaya-ayang pahinga at alternatibo mula sa mga walang sawang sumigaw at bumirit. hindi ba kayo napapagod?
hindi naman sukatan ng galing sa pag-awit o ganda ng boses ang taas ng tono na kayang abutin. ang importante ay kaya ng isang mang-aawit na iparating ang tamang damdamin na hinihingi ng isang awitin. at sa tingin ko, nagawa naman ito ni juris, baka nahigitan pa nga.